disclaimer: mejo mahaba although super funny..if not interested wag na lang, nahihinayang lang kasi ako na mabura :p
hehe naisipan ko lang bisitahin ang aking defunct blogger account (pinkspellsme.blogspot.com), 2006 pa nung nabuo yun so i read through my past posts (putek tongue twister un ah) ayun nakakatawa ung mga kwento ko dun, buhay freshmen to sophomore haha funny tlga.. just posted it here kasi bka bigla nlng mawala ung account na un di ko na mababalikan ung mga post na nakakaaliw hehe
Embarrassment prevention year! March 2006
Well minsan lng ako magpamahgi ng mga bagay nakapupulutan aral at swerte ka kung mababsa mo itong isang to ngayon!
2006 na ngayon at nais ko sanang ibangon muli ang aking hiya sapagkat malakas ang kutob ko na ito’y unti unti ng naglalaho malapit na ma extinct, endangered na kumbaga.. well enumerate ko ang mga bagay na dapat iwasan para hndi mapahiya kasama ang mga bagay na maaring resulta:
>Huwag magpapakuha ng kakaibang litrato sa kaibigan dahil maaring gamitin ito ng kaibigan sa proj. niyang photo frame sa t.h.e mataas na ang grade niya napahiya ka pa.
>Huwag magbabasa ng libro habang naglalakad sa mapunong lugar kung ayaw mong kamustahin ka ng trunk ng puno face-to-face.
>Huwag basta basta mantatawag ng tao ng hindi sure kung siya nga iyon, at kung sakaling magkamali, mag sorry keysa magpanggap na biglang may nagtxt at aalis.
>Kapag tumatakbo ng mabilis huwag titingin ng patalikod sa kausap kung ayaw mong sumalpok sa posteng bakal.
>Palaging magsho-short sa skul lalo na kung hobby ng mga kaklase mo ang mantaas ng palda.
>Kapag nakita ang crush huwag ma tense lalo na kung may hawak kang mga barya sapagkat maingay ang mga ito kapag nalaglag at mahirap magpulot lalo na kung pagulong gulong ang mga ito.
>Kung matutulog sa fx, siguraduhing hindi ka mananaghinip na nalaglag ka dahil nangyayari ito sa tunay na buhay, at kung maganap man ang sakuna huwag ng lingunin ang ibang pasahero kung nkita nila at sabhing “hehe joke lng”.
>Kapag may mga poging fafa na nagpapakyut sayo sa isang nakaparadang jeep, huwag magmaganda at mangirap dahil maari kang biglang matapilok ng sobra at sabihin nila “oooohhhhhhhhhh” (paksyet tlga!)
>Huwag makikinig sa nagpapatawa kung may lamang ube ice cream ang bunganga, bket? Alam mo na yun.
>Huwag sasakay ng jeep na “almar” kung nasa almar ka na dahil huli na pag nalamn mong iba ang daan at kailangan mong maglakad sa kawalan.
>Huwag Maghuhubad ng skirt sa harap ng mga ka cheering-mates mo dhil malaki ang posibilidad na sumama ang cycling shorts mo.
>Huwag hihirit na 69 ang grade mo sa eco kung ang tinatanong ay kung sino ang nakakuha ng pinaka mataas na marka.
>Huwag hubarin ang sapatos kung butas ang medyas.
>Huwag makipagchikahan kung ano ang assignments sa new klasmeyt na mkksbay sa terminal ng fx, lalo na kung hndi pla kayo magklasmeyt.
>Huwag sasakay sa pambatang rides sa storyland kung ayaw mong sitahin ka ng guwardiya.
>Huwag sisipa ng malakas para sipain ang sipa kung hindi mo lang din ito tatamaan at lilipad ang sapatos mo ng 360 degrees sa ere, at recess time.
>Kapag naiiyak ka huwag papasok sa cr ng boys. Kung girl ka at vice versa.
>Kapag nagloloko na bad trip ka ng araw na yun, huwag sisipain kuno ang dram ng basura dhil kapag tumumba ito pagpupulutin ka ng janitor.
>Kapag nasa sealed na fastfood huwag tatawagin ang kaklase na nasa labas at magtatampo kapag hindi ka napansin. Tandaan sound proof ang glass.
>Huwag maglalaro ng patagalng nakatayo ng walang hawak sa umaandar na bus, dahil kapag nagpreno si manong siguradong swimming ka.
>Huwag maglalakad sa swimming lesson. Basta nakakahiya.
>Huwag sasakay ng jeep ng sakto ang barya, dahil kapag nalaglag ang piso, 123 ang uwi mo.
>At last, huwag yayakap sa kung sino sino basta basta kung makikitingin ng pictures sa kamera na hawak niya, lalo na kung ang taong yun pala ay kinaiinisan mo. In case of emergencies like this, iwasan magsalita baka mabosesan ka at dahan dahan tumakbo palayo.
Sana ay magamit niyo ito sa pang araw araw na buhay. Hindi ko man ito nagamit ng mga panhong yan, at leats i learned form my mistakes. Maraming salamat.
TITLE:Psy-wars! Part 1
Have you ever been into a psychological war with strangers? I don’t know about guys, but i bet it does happen with girls.
Everyday, I ride PUV’s to school...jeepneys, fx and if i can’t get an fx, i’d take the bus, but my usual ride was the fx. Everyday i get to sit and squeeze in with strangers in the fx, and almost everyday i get to witness, or experience, the so called PSY-WARS! Now what are these psy-wars? A psy-war is like a cold war either between two passengers or the passenger and the driver, an unspoken conflict occurs between the two persons involved, it could happen after a short discussion and exchange of such words or looks. It’s really hard to explain but once you are there, you’ll know it. The best way to explain it, is by citing examples...haha this is the fun part!
Students, office workers, people on to a gimik or some sort, usual people headed of somewhere for some reason are the people you are stucked with for less than an hour, more than an hour, an hour, half an hour or as long as you reach your destination. Yes, Filipinos are friendly but you don’t expect them to just suddenly chat and mingle with you anyway, this is how the psy-war goes. Hmm where do i start? Let’s start by imagining ourselves seated at the front seat, remember we’re at an fx, 2 people are allowed to seat in front, of course excluding the driver, if two girls are seated in front and both find the space too small for the two of them and one feels uncomfortable, then the other one would start moving irritably and her seatmate would give her a sharp look but would not say anything, and there it is! Presto! The war has begun! For the whole trip both of them would hate whatever the other one is doing!
Now let’s move to the middle seat. Name: the middle seat, capacity: 4 butts. It says four regular people, one time, this really fat and so-so girl was the 4th middle passenger and one has to lean forward, how unfortunate for the other passengers who also paid because this girl here keeps squeezing in, demanding us to move a little more and she suspects that because i was seated near the window that i was not moving when in fact there was absolutely NO MORE space, we’re like sardines already in an fx comparable to a can, old, hot air coming form the ironic aircon and makes this sound whatsoever, she called my attention and told me to move a little more with this look on her face that makes you want to slap her back and forth then kick her a$$,
girl: pwedeng umusog ka ang sikip kasi eh! (pls imagine the face)
me: ah e pwedeng magpapayat ka? (then i rolled my eyes)
and for the whole trip, i guess you know what happened next. Another, when the driver seems to be asking for a much larger fare than your usual ones, another war will wage. This is the frequent conversations:
Manong: ah kulang pa po ng limang piso, nagtaas na po kasi eh.
Pasahero: ano ka? Araw araw ako sumasakay ganito lang binabayad ko.
M: eh sa iba ho yun.
P: bket bawal nga kayo magtaas eh! Cge nga asan ang taripa mo? (note: if you don’t know what taripa is, you have a serious gap in your environmental awareness)
M: edi bumaba na lang kayo!
P: e bat naman ako bababa? Gusto nio i-report ko kayo sa LTFRB?
M: cge i re-port mo! (wow c manong kuno matapang!)
P: o yan na nga yung limang piso mo! Sana yumaman ka! (sarcastic!)
M: nemnem....mnansu...(ah the usual mumbling words that you can’t understand)
So how does this story end? It is when the passenger finally has to step out of the vehicle and upon leaving, slamming the door very hard...ooohhh hurts your ears...and again goes manong mumbling words...
TITLE: PSY-WAR part2
If you think that was the end of it....wait! ‘coz there’s more lot’s more! Hmm oh the cellphone thing..ah the stories seems endless. Ok first, who owns the latest model? This is the usual unspoken psy-war in the fx, when one pulls out a phone from her bag and begins texting, the other should make it a point that the other one sees her phone,especially when hers is a much newer model, that’s not just it she would intentionally text a friend in order to get a reply and let her wav ringtone be heard. Another thing about cellphones, when someone calls, that passenger would talk to the caller in a way as if she was the only passenger,
oh yeah blah blah blah..really? that’s good, oh im on my way na already, so init nga here in the fx oo..
grrr makes my blood boil.
Here’s another example of the psy-war although it does not concern cellphones. Girls usually get irritated when someone keeps looking at them, if it’s a cute guy that’s a different story, but if it’s a girl with the look on a face that makes you want to pull out her eyes. No conversation would happen, just looks, dagger looks. Especially when both you caught each other looking at each other...if you could just say, anong problema mo huh? Sapakan na lang ano?!.. but don’t forget about the boys..no not those cute boys, those typical pervert guys who dresses oddly with blonde highlights and all (about the highlights it depends on the person with it). These are the guys who would keep on helping you even if you are not asking for it, you know repeating every word that you say and comments as if you two know each other and giving you this grin that gives you goosebumps...
me: isa pong ust
drayber: saan tong singkwenta?
Me: ust po
epal guy: ust daw
drayber: saan?
Me:ust po
epal: sa ust daw! (titingin saken) ang hinhin mo kasi magsalita, konting lakas bingi ata si manong (*flahes that..that... smile*)
me: (just a giving a very sarcastic smile) (drayber iaabot ang bayad, bwisit si epal pa ang kukuha abot ko naman)
epal: sukli daw nung ust (smile again)
me: (reach for my change and make it a point that my fingers don’t get in contact with his)
hmm..what else...oh i almost forgot...the pa-sosyals.... you know those people who dress like relatives of bill gates, with all those flashy jewelries, makes you want to snatch it off them, typical robbery victims.. almost all the common passenger hate this kinds, you know when they cover their noses as if they are seated next to garbage and keeps on looking around her, bringing out her fan and annoyingly fan herself continously bugging the aircon directing it to herself but seems to can’t get enough and makes a phone call saying...
elitista: hi dad, im in an fx ryt now eh, mom had to use the car eh, can you like pick me up na lang later? Ok..see yah. (puts down the phone)
elitista: ahmm menong, beyad oh...ahmm sa may morRrRayta leng... (roll the r!)
elitista: sa tebi na leng po menong...parRrRraaa...
more to come...you know i could make another sequel after the other.......
TITLE: heartwarming thoughts from barbie..
hey there human! its not everyday you get to see a doll like me give good tips, and if ever youll see one, isnt that way too freaky! anyway, i am to share to you, the 10 things to remember in order to live a happy life. now you are most fortunate, for i do not have what you humans enjoy, life. so read on and keep it in mind!
p.s. anything from this entry cannot be reproduced in any form. (asa!)
10 things to remember in order to live a happy life
and lastly...
credits to our neighbor Jesusa Joy marata for some of the barbies that i made "arbor" :) hope you can read the text included in the pictures. i painstakingly edited them at paint! laos paint..
TITLE: J.E.E.P.N.E.Y
jeepney stories, another puv story, alam nio kasi ang excitement ng buhay ay nasa mga taong nakakasalamuha mo araw araw pati narin ung mga sinasakyan mo.. hehe itong compilation ko ng stories ay lahat recent lng dis week, its not basically about the people riding the said vehicle but instead its the vehicle itself... hehe.. ok here goes... were on our way to the church kc nun just the three of us me, ate and kuya, tpos nkalagay sa jeep (paki imagine nalang) -dito maganda- -dito mas maganda- eh nakaupo ako dun sa side na dito maganda,, hehe kaya nung may bumaba pinilit kong lumipat dun sa may nakalagay na, dito mas maganda... baket ko kinwento yun? wala lng eh maganda ako eh! (yan ang tinatawag na confidence in tagalog kapal ng mukha) tpos nung papunta nman kami ng sm edi jeep agen kmi tatlo, may nabasa si kuya sa signboard nakalagay, magbayad bago bumaba ng hindi maabala, tapos may nakalagay sa baba, wag mong titigan tingnan mo lang, so napaisip si kuya kum baket at paglingon ko, the girl sitting across.. my goodness open ang fly at sa laki ng puson niya ay parang talagang bibigay na ito, di ko mapigilan ngumit ng ngumitit kc na realize ko bigla ung signboard.. wag mong titigan (mahahalata ka) tingnan mo lng (once in a wyl) ssbhin ko sana dun sa gurl kaso shes so busy making chika edi dedma nalang! hehe.. minsan nakakainsulto din ung mga signs na nakalagay, konting ipit..ang bastos diba..hehe.. tpos pano kung mataba tpos may nakalagay na upong seksi lng po tayo..eh hayup nman dba ang unfair! at ang mga design ng jeep, mickey mouse na kulay green, tweety bird na mas hawig ni sylvester, mga english na lines like, fire me now, sweet surrender, kilabot ng kidapawan chever chever, ay ewan ko...bsta ganyan ang jeep!
hmmm...
badtrip pala kpag aircon yung klasrum nio kc kpag nag lunch kau tpos bumalik sa rum halatang halata kung anong inulam nio.... minsan amoy baka sa rum, minsan amoy sisig, minsan amoy barbeque di bale nag break down nman ung aircon knina hehe..pero amoy ganun prin... wala pa akong matinong maipost ngayun pano kc bc na kaagad sa skul khit wla pa kming isnag buwan pumapasok... enewei.. un lang.. cge magsasagot pa ako ng lts assignment ko..hehe
let's move further..
wehehe...subukan nio magcmula sa isang mababaw na tanong tapos palawakin nio ng palawakin, haaaay maloloka ka sa sobrang dami ng gusto mong masagot na tanong na alam mong hinding hindi mo matatagpuan ang sagot dito sa mundong ito... sample, ang ganda ng sky...bat kaya hindi ko to mahihipo? gano to kataas? ang space ba may limit din? kasi sobrang lawak saan ang end niya? parang ung ilalim ng dagat..anong meron dun? may ufo daw dun? kung mayrron man, kung, other life aside from earth, ano kayang iniisip nila sa earthlings? nagwowonder din kaya sila kung may life sa earth?(wow the blue green white colored planet looks beautiful, wonder if there are also volcanic activities there like ours? ) pano ang pamumuhay nila? suuper advance kaya talaga ang technology nila? bakit earth lang ang may tao? cno bang gumawa ng earth? (ay nebular hypothesis nga pala by laplace) eh sinong gumawa ng nebula? si God? bat niya ginawa yun? at bket earth lng ang may tao, para saan pa ung ibang planets, stars, comets, asteroids? bket naisipan ni God gumawa? kung wala tong mga ginawa ni God ano kayang ginagawa niya? may sarili din ba silang earth sa heaven? (yun ay kung sa heaven nga) at higit sa lhat, oo sige na nageexist si God, pero sinong gumawa kay God? bakit kinailangan siya mag exist? ginawa ba siya dahil may isa pang higit na gumawa dahil walang magawa? at sinong gumawa sa higit na ito?
oo nga pala hndi ako aethist or agnostic.... malakas faith ko kay God... just wondering
kelan kaya to masasagot lhat? pag patay na ako, ung spirit ko kukulitin si God para sagutin toh, eh pano kung ganun din ang plano ng lhat masagot pa kaya lahat toh?? well i'll never know until that day..
think happy thoughts!